top of page

Chinesse Bamboo

  • Apr 12, 2015
  • 3 min read

Bakit maraming mga sumubok sa business lalo na sa MLM business pero hindi nagtagumpay?

Marami ang nagsasabi na yayaman sila sa bagong business nila pero lumipas ang ilang taon ay wala din nangyari?

Bakit nila sinasabi na mababago ang kanilang buhay pero wala naman nangyayari?

Susubukan kong sagutin itong mga tanong na ito ayon sa aking experienced at observation. Isa lang ito sa maraming dahilan kung bakit marami ang hindi nagtatagumpay sa business.

Kung plano mong sumubok sa business ay dapat basahin mo ito para maihanda ka sa puwedeng mangyari. Advice nga ng mga coaches ko na kumikita ng 7 digits monthly ay dapat nakadikit ito sa lugar kung saan lagi mo itong nakikita.

Isang itong principle na magbibigay sayo ng direction sa business at puwedeng maging source ng encouragements Kapag ikaw ay nanghihina.

Sabi nga sa patalastas sa TV…

“KAPAG MAYRUON KA NITO, WALA KANG TALO!”

May na nabasa ako sa internet na isang halaman na nagbigay sa akin ng aral para sa aking business. Isang aral na bumago sa aking pananaw, at nagbigay sa akin ng lakas ng luob na ipag patuloy at pagbutihin ang business ko.

Alam ko malaking tulong itong principle na ito sa mga baguhan at mga nahihirapan sa business. Higit pa duon ay… Kung ikaw ay successful na sa business ay sigurado lalo mong ipag papatuloy kung ano ang naumpisahan mo.

Alam mo kung ano ito?

bamboo.jpg

Ito ay halaman at hindi puno… Ito ang “CHINESE BAMBOO”. Alam mo ba na ang Chinese Bamboo ay isang ‪#‎SLOW‬-GROWING-PLANT?

Kapag inalagaan mo ito sa unang taon ay lalaki lang ng 2 inches. Sa susunod na taon ay 2 inches ulet at sa pangatlong taon ay 2 inches nanaman ganun din sa pangatlong taon at pang apat na taon.

Ibig sabihin, sa apat na taon ay lalaki lang ng 8 inches.

Pero alam mo ba na kapag inalagaan mo pa ito ng isa pang taon ay lalaki na ng hanggang 960 inches? Ito ay katumbas ng walong palapag na high rise building.

Alam mo sa tutuo lang, nuong nabasa ko ito ay naalala ko itong business ko. Mahigit isang taon na ako pero yung gusto kong mangyari ay hindi pa nagyayari. Yung goal ko na 6 digits per month ay hindi ko pa nakukuha.

Yung plano ko na mag resign sa aking trabaho pagkatapos ng isang taon ay hindi ko nagawa. Yung ‪#‎CONDO‬na gusto kong bilhin at Yung‪#‎FORTUNER‬ na gusto kong sakyan ay wala pa.

Marami sa mga pumasok sa business na wala pang isa, dalawa or tatlong taon ay give up na sila. Dumating lang ang isang pagsubok sa kanila ay naisip agad nila na…

“HINDI KO ATA TALAGA LINYA ITO”

GIVE UP NA AKO… AYAW KO NA.

Sa palagay mo… Kung ikaw yung nag alaga ng CHINESE BAMBOO at nag give up ka pagkatapos ng apat na taon at naisip mo na putulin nalang, sa palagay mo ano kaya ang mangyayari?

Kung nasa kalagitnaan ka ng pagsubok sa iyong business, kung iniisip mo na baka hindi mo Ito linya dahil walang nagyayari na maganda, kung nawawalan ka na ng pag asa… Kung ako po sa inyo huwag kayong mag give up.

Katulad ng CHINESE BAMBOO, Kapag pinag patuloy mo at hindi ka nag give up, Kapag inaral mo at binigay mo ang iyong makakaya ay darating din yung panahon na ito ay lalago at matutupad ang iyong mga pangarap.

Kung ako sayo kaibigan…”DON’T GIVE UP! Ituloy mo Lang..

Pwede mo itong share sa lahat ng nahihirapan at gustong mag-give-up…

Be strong and Be open Mind…Share and love….

Ang Training na ito ay Para lang sa mga Pinoy Marketers na Seryosong Magkaroon ng Tunay na Resulta sa Kanilang BUSINESS. This is for serious Associates only. Learn from this article how to build you skills, mindset, strategy and tactics.

Start Your Journey Here

Be Unstopable,

DEXTER DAGANDAN / Connect me on my FACEBOOK


 
 
 

Comments


bottom of page