Karamihan sa mga OFW ay tiniis nalang ang sakit bakit?
- Apr 2, 2015
- 4 min read

Bakit karamihang sa kapamilya nating mga OFW ay tiniis nalang ang sakit at hirap sa pagtatrabaho kahit gusto na nilang umuwi dito sa Pinas?
”Magsasakripisyo ako para sa magandang kinabukasan ng pamilya ko. Kahit hindi ako makauwi at makapagbakasyon ayos lang sa akin”
Napakadaming dahilan kung bakit may mga OFW na nagsasakripisyong hindi makauwi at hindi makapagbakasyon.
Sa aking ginawang pagsasaliksik ang mga mababasa mo dito ang ilan sa mga binigay na dahilan na ibinigay ng mga kapwa nating OFW:
Kailangan munang makapag-ipon kasi ang gusto pag nakauwi na sya ng Pilipinas hindi na ulit sya mag-aabroad.
Sapat na sapat lang ang kinikita para ipangtustos ng panggastos ng pamilya sa Pilipinas. Ang hinaing nga ng madaming OFWs dumadaan lang daw sa kamay nila ‘yung pera t’wing sweldo kasi kailangan nilang unahin ang mga pangangailangan ng mga mahal nila sa buhay.
Walang perang ipanggagastos habang nasa bakasyon. Kapag nasa bakasyon kasi ang isang OFW tumitigil sya sa pagtatrabaho, tumitigil din ang kanyang income. Kaso ‘yung gastusin hindi naman tumitigil.
.Nagagalaw ‘yung naipon na pera dahil may mga ‘di inaasahang gastusin na dumadating tulad ng pagkakasakit ng isang miyembro ng pamilya.
Nagbabayad ng inutang na pera o ni-loan na pera para makapag-abroad.
Pag tumigil ka sa pagtatrabaho tigil din ang income mo. Kaso ang masama nito ‘yung gastusin mo hindi naman tumitigil.
Marami nga sa ating mga OFW nakakayang magtiis at mangulila sa mga anak mabigyan lang sila ng magandang kinabukasan. Nagtitiis na kahit walang matira sa kinikita guminhawa lang pamilya natin sa Pilipinas.





![Ignition Marketing Honest Review [Don't Join Until You Read This]](https://static.wixstatic.com/media/e694d2_ffdb62b564f548ab9700536758f3fc51.jpg/v1/fill/w_445,h_250,fp_0.50_0.50,q_30,blur_30,enc_avif,quality_auto/e694d2_ffdb62b564f548ab9700536758f3fc51.webp)
![Ignition Marketing Honest Review [Don't Join Until You Read This]](https://static.wixstatic.com/media/e694d2_ffdb62b564f548ab9700536758f3fc51.jpg/v1/fill/w_310,h_174,fp_0.50_0.50,q_90,enc_avif,quality_auto/e694d2_ffdb62b564f548ab9700536758f3fc51.webp)

















![Ignition Marketing Honest Review [Don't Join Until You Read This]](https://static.wixstatic.com/media/e694d2_ffdb62b564f548ab9700536758f3fc51.jpg/v1/fill/w_438,h_250,fp_0.50_0.50,q_30,blur_30,enc_avif,quality_auto/e694d2_ffdb62b564f548ab9700536758f3fc51.webp)
![Ignition Marketing Honest Review [Don't Join Until You Read This]](https://static.wixstatic.com/media/e694d2_ffdb62b564f548ab9700536758f3fc51.jpg/v1/fill/w_56,h_32,fp_0.50_0.50,q_90,enc_avif,quality_auto/e694d2_ffdb62b564f548ab9700536758f3fc51.webp)












Comments