top of page

KUNG GUSTO MONG MAGKA-BUSINESS SOMEDAY, ANO YUN AT KAILAN MO SISIMULAN?

  • Apr 1, 2015
  • 2 min read

4497102.jpg

Halos lahat naman siguro tayo gustong magka-negosyo tama ba? Hindi lang natin siguro alam kung paano o kaya naman ay kung kailan natin ito gagawin. Siguro ang laging tanong natin sa sarili natin ‘pag dating sa usapang BUSINESS ay: ANO kaya ang i-nenegosyo ko? MAGKANO kaya ang ipupuhunan ko? KAILAN kaya ako magsisimulang mag-negosyo? SAAN ko kaya ito itatayo? Di ba ito yung mga kadalasang tinatanong mo sa sarili mo? Well actually in my opinion hindi talaga ito yung tanong mo sa sarili mo. Kundi ang talagang tanong mo ay..

Ang Question na talagang tumatakbo sa isip mo ay kung “PAANO KAPAG NALUGI AKO?” Para sa akin yan yung tanong na tumatakbo sa isip natin kapag pinaguusapan ang pagnenegosyo. Ang mga Pinoy kasi, takot na malugi. Takot tayong hindi bumalik yung pinuhunan natin. Takot tayo na baka walang bumili sa atin. Takot tayo na baka hindi pumatok yung negosyo natin. Etc Etc. Well sasabihin ko sayo, yan din yung pinagdaan ng mga Successful na negosyante ngayon. Nung una syempre takot sila, syempre nangangamba din sila at syempre kinakabahan din sila. Pero nung una lang yun. Ang ginawa nila ay inOVERCOME lang nila yung mga FEARSnila. At naglakas ng loob na magpatuloy at magsimula sa pagnenegosyo. Imagine si Henry Sy na natakot, at dahil sa takot niya hindi na siya nagtayo ng negosyo niya. Edi walang SM ngayon? Make Sense? Ang Business kasi puno ng TRIALS na kinakatakot ng madami. Nandiyan yung malulugi ka talaga. Nandiyan yung araw na walang bibili. Nandiyan yung may dadating na problema. Pero ang Tanong sayo: Kakayanin mo ba? Susuko ka ba agad? Hihinto ka na ba agad? O kaya naman ay magpapatuloy ka at susubukang harapin ang problema? Dito kasi malalaman kung isa ka talagang tao na may dedikayon at may pangarap sa buhay. Kapag Sumuko ka ibigsabihin mahina ka. Balik ka sa pagiging Empleyado mo, balik ka sa pagtitiis sa kulang na sweldo. Pero kung nagpatuloy ka. IKAW NA! I’m sure nag magtatagumpay ka at malalagpasan mo yan. At kung hindi naman, That’s Ok kasi ang FAILURE naman talaga ay part ng pagiging SUCCESSFUL. Kaya after mong basahin ang Blog Post na to. May tanong ako sayo: Gusto Mo bang Magkabusiness? Ano Yun at Kailan Mo sisimulan? Just Put your answers on the comment box Below this Video. At kung may questions ka naman ay i-Type mo lang din yun sa comment box sa ibaba. Thank you sa pagbabasa mo sa Blog post na to. I hope na may natutunan ka.

Again this is DEXTER DAGANDAN and i hope to talk to you again soon..


 
 
 

Comments


bottom of page